Sep 30, 2011

My Sassy Girl

It is my favorite movie of all time. It was my very first Korean movie. And if I would trust my memory ( which I doubt ), my Tito gave me a copy of this movie six years ago. The other month, I watched it again and it was still as heartbreaking, funny and entertaning even though it was my sixth time watching it.

You know what's good with this movie in the first place?! It was based on a series of true stories posted by Ho-sik Kim on a blog describing his relationship with his girlfriend. Then it became later a best-selling book and the movie follows.The film was extremely successful in South Korea and was the highest grossing Korean comedy of all time. ( Thank you Mr. Google.)

The story started when Gyeon-woo and the girl, who is never named in the movie, met at the train station on his way to his aunt's, he observes a drunk girl, standing so close to the edge of the train platform as the train approaches. He pulls her to safety just in time.


The first meeting...:)

 
He can't leave her alone in the train station...


So he decided to brought her in a hotel..



She was an aspiring writer. She always insisted him to read her stories
 
They always play around...


All of a sudden the girl ask him to bring his highschool uniform. He don't know they we're going to pretend young again and went to a club.

One of the sweetest and my favorite scene in the movie was when the Girl calls him and tells him to bring her a rose during class to celebrate their 100th-day anniversary. He did this, leading to a touching and romantic scene where he arrives in disguise into a packed auditorium and watches her play the melody of Pachelbels Canon D on a piano onstage. Her classmates applaud in his romantic gesture.




This was the saddest part, when they need to say goodbye to each other. The reasons why and what they talked about, I won't tell for those who haven't watch it yet. It's for you to find out.


I was crying on this scene..:(
Everything that they encounter throughout the film magically comes together in the end, and it's truly heartwarming. Oops.

Here are some of my favorite super "KULET" photos of them.





I am always fascinated with the characters and how the story goes. They were a very interesting couple.
There was something with how he looks at her. How huge his patience just to make her happy. How deep his love just to help cure the girl's pain. And the girl, she isn't your ordinary girlfriend. Her mood swings wildly from joyful to being so "violent" at times. But despite of all, he always finds a way to be the MAN she always wanted from the very start.

Let me share with you the 10 rules to make her happy.

 1. Don't ask her to be feminine
2. Don't let her drink over three glasses
3. Drink coffee instead of Coke/Juice
4. If she hits you, act like it hurts. If it hurts, act like it doesn't
5. On your 100th day together, give her a rose during her class
6. Make sure you learn fencing and squash
7. Be prepared to go to prison sometimes
 8. If she says she'll kill you, don't take it lightly
9. If her feet hurt, exchange shoes with her
10. She likes to write. Encourage her

You'll laugh..
You'll cry...
You'll fall in love again..
And for me, it makes me hope that one day, someday, my that kind of man will eventually come along.(Hmmmm.)

Anyway. our beloved Philippines are now experiencing calamities because of typhoon Pedring. I always pray that all is well and safe. God bless Us all guys.

P.S.
Here's the trailer of My Sassy Girl. Hope you'll enjoy it.


P.S.S.
There's a Hollywood remake of My Sassy Girl. I haven't watch it yet but I know that maybe  it won’t be as good as the Korean, but I still hope they do it justice.

Sep 15, 2011

Buhay SAUDI

Huling araw na naman ng linggo. Pahinga ko nadin sa wakas bukas. Salamat. May oras na naman para maregaluhan ang sarili ng medyo mahaba-habang tulog. Nang matagal-tagal na tambay sa harap ng TV. Nang maayos-ayos na pakikipagkwentuhan sa mga kasama ko sa bahay. Salamat. Makakapagmuni-muni na naman ulit. Mangangarap ng gising, yung walang iniisip na maaga pala dapat ako magising bukas. Makakapagisip-isp na naman ng mga bagay na gusto ko pa gawin, mabigyan lang ng pagkakataon. Salamat.

Pero alam mo ang paborito ko tuwing Huwebes, nakakapagsulat ako. Salamat.

Dumaan na naman ang isang linggo ko dito. Ang daming nagyari pero wala akong maalala. ( Pwede ba yun??!) Ang bilis ng takbo ng oras. Magigising ka ng alas-otso, kahit nakapikit pa kailangan na dahil lima kaming papasok ng alas-nuwebe. Magtitimpla ng kape. Maswerte kung may oras pa, makakaupo ka muna sa mesa habang hinihipan ang umuusok mong kape. Kapag wala, diretso na siya sa tumbler, dadalhin ko na lang sa clinic. Alas-nuwebe ang umpisa ng trabaho, kahit tulog pa ang diwa mo at may namumuti pa sa gilid ng mga mata mo, no choice, kaylangan na pumasok. Bukas ng clinic, linis ng kalat ng nagdaang araw, punas dito punas doon, spray dito spray doon. Buksan ang mga dapat buksan tulad ng mga cabinet, machines, notebooks, boxes atbp. Lahat yan ginagawa namin ng mga sampung minuto, tapos upo ulit. ( sarap!) Magkakape. Dadating ang doktora, makikipagkwentuhan ng kaunti ( KONTI LANG dahil Arabic ang usapan, mahirap magnosebleed ng ang aga-aga noh.) Upo na ulit. Kape. Magbabasa ng kaunti ( Lage akong may dalang libro.) May kakatok, nakakainis pa kasi maiistorbo ang pagbabasa at day-dreaming. Magkakapasyente. May treatment na gagawin. Kung maswerte papacheck-up lang siya. Upo ulit. 11:30 na. Uwian na.

Dahil sa mabuting kaibigan ( Ate Rosie ), pagdating namin ng bahay ni Carme ( My MU, kasama sa duty,sa bahay, sa buhay, lahat na.) may nagaantay na sa aming tanghalian. Salamat. At dahil may TFC na kami ngayon ( nagyayabang lang ng konti, first time eh,haha.) masarap na kumain sa lamesa habang nanunuod ng Happy Yippe Yehey. Tawa dito tawa dun. Kain dito, tingin doon. Sarap ng ganun, pakiramdam ko nasa isang BAHAY na talaga ako. Salamat.

Pahinga ng apat na oras. Kalahating oras sa pagkain. Isang oras sa internet. Dalawang oras na tulog. Isang oras ulit sa panunuod ( Salamat ulit sa TFC,haha.) Pagdating ng alas-kwatro pasukan na ulit. Ayaw mo man o hindi, sige lang, mahal namin trabaho namin. Sa limang oras at kalahating duty namin dito, dito na yung nakakapagod. Ito na kasi yung dagsaan ng pasyente. Ito na yung buhay na buhay ang mga neurons at hormones nila na pumunta kung saan-saan. Yun lang napili nila yung Dispensary mo,haha. Puputok pa ang mga ugat mo sa utak at mauubos ang pasyensya mo minsan sa mga makakaharap mo. pero sige lang, hingang malalim lang ang katapat niyan. Diko na mahawakan si libro, mainom si kape. Wala na si upo. Pumalit na si lakad dito lakad doon, akyat baba ng elevator, utos dito utos dun. Hay. Salamat padin.

Alas- nwebe ng gabi umuuwi na yung manggamot namin, may natirang kalahating oras para makipagchikahan. May kaibigan kaming taga-Bangladesh na lage naming nakakausap, nosebleed  na naman. pero ayos lang, kapag mabait naman ang tao, di nakakapagod kausapin. Uuwi ndin pagkatapos ng ilang minuto, magluluto ng hapunan, maglalaba ( twice a week), mamalantsa ( Thrice a week ). Kakain ng hapunan. Manunuod ng mga teleseryeng muli na naman napakilala sa amin. Magshoshower. At babalik na ulit sa kanya-kanyang kama. Internet. Facebook. Bonding. Tawanan. Sigawan. Barahan. Asaran. Ang saya. Salamat.

May sasabihin ako sa inyo.
  • Ang paborito kong part ng bahay ay yung mesa. Duon kasi nabubuo kami. Nagkakainan ng sama-sama, madami mang ulam o wala. Nanunuod ng mga teleseryeng nakakapagpakilig, iyak at tawa sa amin. Salamat TFC. ( Sana mabayaran ako sa dami ng beses ko sila nabanggit.)
  • Derma ang clinic ko. Nagfafacial kami, Laser, Crystal Peel, Mesotheraphy at madami pang iba. Pwede ka pumunta kung gusto mo, dudugo nga lang ang ilong at tenga mo sa presyo,haha.
  • Taga-Lebanon ang manggagamot ko. Mabait pero mahirap espelingen. Pero okay nadin.
  • Walo kaming magkakasama dito sa bahay ( Flat sana itytype ko para sosyal,haha.). Lahat Pilipina. lahat mababait. Lahat masisipag  at matatapang. Matapang na hinarap ang buhay na malayo sa pamilya para sa mga pangarap na pangsarili at para sa mga taong minamahal namin. Lahat masaya kasama. Lahat magaganda. Apir! Walang kokontra, blog ko to.Haha.
  • Sa isang dispensary ako nagtratrabaho, hindi hospital. Hindi kalakihan ang sweldo. Hindi kagandahan ang sistema. Pero ang baet talaga ni LORD, nabiyayaan naman ako ng mga ANGHEL na kasama. hay, Salamat.
  • Dati naoOAhan ako sa mga nagpapsalamt sa TFC. Pero ngayon iba pala talaga noh, dahil doon napapanuod padin namin ang mga palabas na pinapanuod din ng mga taong mahal namin sa PILIPINAS. Kahit papaano hindi naman kami uuwi na parang galing kami ng ibang planeta. Natatawa ko. Salamat.
  • Paborito namin ang MARIA DEL BARRIO. Oh diba?! Ibang level. (^_^)
  • Natapos ko na ang tatlong libro ni BOB ONG sa loob ng limang araw, nasa pang-apat na ako ngayon. Adik ba?!
  • Sobrang proud ako kay SHAMCEY SUPSUP. Third-runner up sa Ms. Universe. Galing. Nasaan kaya ako nung umulan ng ng ganung level ng kagandahan, kaseksihan at katalinuhan? Malamang nanunuod ako ng TFC. Haha.
  • Isang daan araw na lang bago magpasko. Yung susunod na Pasko nasa Pinas nadin ako sa wakas. Anyway, Advance Merry Christmas. Yung regalo ko ha, wag kakalimutan??
  • Ngayon araw na to ang balik ng Tatay ko sa Italy. Malungkot na naman si Nanay. Malungkot na naman sa bahay. Isang taon na naman ang bubunuin namin ng hiwa-hiyalay. Sheyt.
Hindi ko naman sinasadya mapahaba ito. Madaldal lang talaga, pagpasyensyahan mo na. Salamat ha, nakaabot ka hanggang dito. Hinding hindi talaga ako magsasawang magpasalamat. ( May kasama pa yang dasal na sana hindi ka nainip. )

Sabi nila mahirap daw dito sa SAUDI. Boring. Parang nasa kulungan. Pero alam mo....totoo nga. Akala mo kokontrahin ko ha. Oo. Tama sila. Pero diba, tao ka, binigyan ka ng kakayahan na mag-adjust sa paligid mo. May kakayahan kang tingnan ang mga bagay-bagay sa magandang parte nito. Sa english, you need to appreciate and look at the brighter side of things. Maswerte ka pa nga, mahirap man at malayo, binigyan ka ng pagkakataon ng Diyos na makatulong. Maganda naman ang buhay. Maraming blessings. Pero syempre parte din nito ang sandamukal na downs/problems/flaws. Madami din dadating na gustong-gustong sirain ito, pero tao ka, may kakayahan kang lumaban sa lahat ng pagkakataon. May choice kang tumayo ulit sa pagkakadapa at ngumiti ulit na parang walang nagyari. Parang sa Ms. Universe lang, bigay lahat ng pwedeng ibigay, kasi bandang huli hindi yung pagkapanalo ang importante, kung hindi yung pinakita mo sa kabuuan ng sitwasyon. Yun ang mas pinapahalagahan, yung ang mas malalim ang appreciation. Dun ka mas makakahanap ng kakaibang saya at contentment.

Sige po, magpapaalam na ko. Nahihiya naman na daw kasi ako ng KONTI.
Salamat ulit sayo. Sana masaya ka.

Kita na lang ulit tayo sa susunod kong kwento ha..Promise??!(^_^)






Sep 9, 2011

Saan Na Nga Ba?

Ang tagal kong tinitigan yung keyboard. Gusto ko sanang sumulat ulit. Nangangati na naman yung mga palad ko na magkwento. Kaso kadalasan ayaw gumana ng isip ko. Nawawalan ako ng pwedeng sabihin. Siguro dahil gusto ko yung may kabuluhan naman. Failure na naman ako ngayon dahil sa gulo ng utak ko, pati kayo idadamay ko.Patay tayo dyan. Hehe.

Sa totoo lang ayoko ng nag-iisa. Hanggat maari gusto ko lage may kausap. May kasama at katawanan. Kapag mag-isa kasi madami akong naiisip. Madaming walang kwentang bagay ang tumatakbo-takbo sa isip ko. Na kinakailangang iwasan talaga. Sa sampung-minuto na nakahiga ako, ito ang mga naisip ko.
  • Bigla ko lang naisip si THELMA, yung bagong pelikula ngayon ni Direk Paul Soriano. Nakakainspire lang yung lageng sinasabi, ang problema daw di kailangan takbuhan kundi dapat harapin. Tama naman diba? Kaso lahat yata tayo dumadating sa puntong tinatakbuhan muna ito at kapag nakapag-isip na ng maayos saka mo lang aayusin. Kung may time ka pa para ayusin.Yun lang.
  • Kahapon pinanuod ko yung Tuesdays with Morrie na movie. Para sakin, iilan na lang yung makabuluhan na pelikula ngayon at isa to. Sabi ko nga bakit ngayon lang to napakilala sakin samantalang 1999 pa to shinowing. Mula umpisa hanggang dulo, walang panget na sinabi, lahat may sense. Yung tipong mapapatulala ka at mapapaisip na ang ganda pala ng buhay para tumingin ka sa maliliit na bagay. Tagos sa puso. Madaming aral sa buhay.Nakakaiyak lang kasi mula umpisa alam mong mamatay yung bida, yung taong punong-puno ng kabutihan at pagmamahal.
  • Dahil day-off ko today after 48 years, kagabi nagmovie marathon kami. Una yung Tuesday with Morrie nga na mag-isa ko pinanuod. At yung pangalawa, " Sa Piling Ng Mga Aswang". Oh diba?? Luma pa sa luma. Horror. Nakakagulat. Bago sa Pandinig ko. Pero iba talaga nagagawa kapag mahal mo yung mga kasama mo nanunuod, gumaganda yung pelikula. Nagkakabuhay. Minsan nga hindi na lang yung pinanuod ang mahalaga kundi yung bonding na nabuo dahil sama-sama kayong naghihilahan ng kumot at sumisigaw. Enjoy. (^_^)
  • Us usual, nahohomesick na naman ako. Kung may genie nga lang na biglang susulpot dito sa tabi ng kama ko, isa lang ang gusto ko hilingin. Pauwiin ako kahit ilang oras lang. Makita at mayakap ko lang sila dun sa Pinas. Kahit may timer pa,kakagatin ko pa din. ( Ang drama ko na naman.)
  • Nung isang araw, may pasalubong na binigay sakin ang isang banyagang kaibigan. Gusto ko lang ipakita sa inyo. Hindi ko naman nilalahat yung lahi nila, karamihan nga lang talaga medyo diko gusto ang pag-uugali pero makakakilala ka padin ng iilan na makakapagpatunay na, may mabait din pala. Nung binigay niya sakin to, pinaliwanag pa niya yung history kung ano to. Effort. Salamat!


Ancient House daw nila dito..

  • Ang binabasa ko ngayon ay yung Ang Paboritong Libro ni Hudas ni Bob Ong. Malapit ko na matapos. Nakaktuwa talaga siya. Lahat ng mababasa patama at may kabuluhan. Iiisipin mong mababaw pero iba ang impact sa mga babasa. Hay. ( Ginusto kong makita kung sino talaga si Bob Ong, tinanong ko si Mr. Google pero wala ako nakita ni isang picture. Hmmm. Mysterious.)
  • Paulit- ulit kong pinapatugtog at kinakanta yung Akin Ka Na Lang ng Itchyworms lately. Bakit?? Hindi ko alam. Para kanino? Hindi ko din alam. Basta ang alam ko hindi ko yun kinakanta para kay $#@%^$. haha. Ito pakinggan mo din kung gusto mo.

  • Nalulungkot din ako para sa isang kaibigan. Naiiyak tuwing magkausap kami. Bakit nga ba nasa huli lage ang pagsisisi. Sana lage na lang masaya ang lahat. Ayoko ng may malungkot. Ayoko ng may nasasaktan.  Pero ganito talaga ang buhay. Sabi nga sa Tuesdays with Morrie, "We...need to forgive ourselves...For all the things we didn't do. All the things we should have done. You can't get stuck on the regrets of what should have happened."

Siguro hanggang dito na lang muna. Parang wala nadin naman patutunguhan to,haha. Nahihiya akong masayang ang oras niyo. Time is GOLD pa naman. Chos! Sa mga nagbasa nito, salamat ha, kung sino ka man at kung nasan ka man. Nag-Tagalog ulit ako, naiinspire kasi ako kay Bob Ong. Idol kumbaga. ( Pagpasyensahan niyo na...)

Bukas balik na naman sa reyalidad. Anim na araw na naman ng nakakapagod na trabaho. Pero sasabihin ko ng paulit-ulit, mahal ko yung trabaho ko. Matagal ko din ipinag-dasal na makatulong sa mga mahal ko at ito na yun. Kailangan lang talaga mahalin mo, kung ano yung meron ka, kung ano yung ipinagkaluob sayo ng Maykapal.

Salamat ulit sa pagbasa.
Sana masaya at ligtas ka kaibigan...
God bless you..(^_^)

P.S.
Maganda talaga yung Tuesdays with Morrie na movie. Sana mapanuod mo. At sana mabasa ko din yung libro nun. Mas maganda siguro ng sampung ulit. Paalam.

P.P.S.
Saan na nga ba sila? Yung mga lumang tao sa buhay ko. Namimiss ko na ng sobra. Sobra.