Ang tagal kong tinitigan yung keyboard. Gusto ko sanang sumulat ulit. Nangangati na naman yung mga palad ko na magkwento. Kaso kadalasan ayaw gumana ng isip ko. Nawawalan ako ng pwedeng sabihin. Siguro dahil gusto ko yung may kabuluhan naman. Failure na naman ako ngayon dahil sa gulo ng utak ko, pati kayo idadamay ko.Patay tayo dyan. Hehe.
Sa totoo lang ayoko ng nag-iisa. Hanggat maari gusto ko lage may kausap. May kasama at katawanan. Kapag mag-isa kasi madami akong naiisip. Madaming walang kwentang bagay ang tumatakbo-takbo sa isip ko. Na kinakailangang iwasan talaga. Sa sampung-minuto na nakahiga ako, ito ang mga naisip ko.
- Bigla ko lang naisip si THELMA, yung bagong pelikula ngayon ni Direk Paul Soriano. Nakakainspire lang yung lageng sinasabi, ang problema daw di kailangan takbuhan kundi dapat harapin. Tama naman diba? Kaso lahat yata tayo dumadating sa puntong tinatakbuhan muna ito at kapag nakapag-isip na ng maayos saka mo lang aayusin. Kung may time ka pa para ayusin.Yun lang.
- Kahapon pinanuod ko yung Tuesdays with Morrie na movie. Para sakin, iilan na lang yung makabuluhan na pelikula ngayon at isa to. Sabi ko nga bakit ngayon lang to napakilala sakin samantalang 1999 pa to shinowing. Mula umpisa hanggang dulo, walang panget na sinabi, lahat may sense. Yung tipong mapapatulala ka at mapapaisip na ang ganda pala ng buhay para tumingin ka sa maliliit na bagay. Tagos sa puso. Madaming aral sa buhay.Nakakaiyak lang kasi mula umpisa alam mong mamatay yung bida, yung taong punong-puno ng kabutihan at pagmamahal.
- Dahil day-off ko today after 48 years, kagabi nagmovie marathon kami. Una yung Tuesday with Morrie nga na mag-isa ko pinanuod. At yung pangalawa, " Sa Piling Ng Mga Aswang". Oh diba?? Luma pa sa luma. Horror. Nakakagulat. Bago sa Pandinig ko. Pero iba talaga nagagawa kapag mahal mo yung mga kasama mo nanunuod, gumaganda yung pelikula. Nagkakabuhay. Minsan nga hindi na lang yung pinanuod ang mahalaga kundi yung bonding na nabuo dahil sama-sama kayong naghihilahan ng kumot at sumisigaw. Enjoy. (^_^)
- Us usual, nahohomesick na naman ako. Kung may genie nga lang na biglang susulpot dito sa tabi ng kama ko, isa lang ang gusto ko hilingin. Pauwiin ako kahit ilang oras lang. Makita at mayakap ko lang sila dun sa Pinas. Kahit may timer pa,kakagatin ko pa din. ( Ang drama ko na naman.)
- Nung isang araw, may pasalubong na binigay sakin ang isang banyagang kaibigan. Gusto ko lang ipakita sa inyo. Hindi ko naman nilalahat yung lahi nila, karamihan nga lang talaga medyo diko gusto ang pag-uugali pero makakakilala ka padin ng iilan na makakapagpatunay na, may mabait din pala. Nung binigay niya sakin to, pinaliwanag pa niya yung history kung ano to. Effort. Salamat!
Ancient House daw nila dito.. |
- Ang binabasa ko ngayon ay yung Ang Paboritong Libro ni Hudas ni Bob Ong. Malapit ko na matapos. Nakaktuwa talaga siya. Lahat ng mababasa patama at may kabuluhan. Iiisipin mong mababaw pero iba ang impact sa mga babasa. Hay. ( Ginusto kong makita kung sino talaga si Bob Ong, tinanong ko si Mr. Google pero wala ako nakita ni isang picture. Hmmm. Mysterious.)
- Paulit- ulit kong pinapatugtog at kinakanta yung Akin Ka Na Lang ng Itchyworms lately. Bakit?? Hindi ko alam. Para kanino? Hindi ko din alam. Basta ang alam ko hindi ko yun kinakanta para kay $#@%^$. haha. Ito pakinggan mo din kung gusto mo.
- Nalulungkot din ako para sa isang kaibigan. Naiiyak tuwing magkausap kami. Bakit nga ba nasa huli lage ang pagsisisi. Sana lage na lang masaya ang lahat. Ayoko ng may malungkot. Ayoko ng may nasasaktan. Pero ganito talaga ang buhay. Sabi nga sa Tuesdays with Morrie, "We...need to forgive ourselves...For all the things we didn't do. All the things we should have done. You can't get stuck on the regrets of what should have happened."
Siguro hanggang dito na lang muna. Parang wala nadin naman patutunguhan to,haha. Nahihiya akong masayang ang oras niyo. Time is GOLD pa naman. Chos! Sa mga nagbasa nito, salamat ha, kung sino ka man at kung nasan ka man. Nag-Tagalog ulit ako, naiinspire kasi ako kay Bob Ong. Idol kumbaga. ( Pagpasyensahan niyo na...)
Bukas balik na naman sa reyalidad. Anim na araw na naman ng nakakapagod na trabaho. Pero sasabihin ko ng paulit-ulit, mahal ko yung trabaho ko. Matagal ko din ipinag-dasal na makatulong sa mga mahal ko at ito na yun. Kailangan lang talaga mahalin mo, kung ano yung meron ka, kung ano yung ipinagkaluob sayo ng Maykapal.
Salamat ulit sa pagbasa.
Sana masaya at ligtas ka kaibigan...
God bless you..(^_^)
P.S.
Maganda talaga yung Tuesdays with Morrie na movie. Sana mapanuod mo. At sana mabasa ko din yung libro nun. Mas maganda siguro ng sampung ulit. Paalam.
P.P.S.
Saan na nga ba sila? Yung mga lumang tao sa buhay ko. Namimiss ko na ng sobra. Sobra.
Ikokonsidera ko ang Sarili ko kasama sa mga lumang tao sa buhay mo.so miz u too.hehe.be safe always and then lets try to have a cup of coffee someday.;)sa buhay mo.so miz u too.hehe.be safe always and then lets try to have a cup of coffee someday.;)
ReplyDelete