Paano nga ba uumpisahan ang bagay na hindi mo naman talaga alam kung paano simulan? Mga bagay na akala mo alam mo. Akala mo sa iyo na.Yung tipong hawak mo na,dumulas pa sa mga kamay mo. Akala mo magtatagal. Akala mo pang-habang buhay. Tama nga yung kasabihan, madaming namamatay sa AKALA. At muntikan na ako dun ah.
Ipinangako ko sa sarili ko na di na ako magsusulat dito tungkol sa nangyari sakin. Dahil ayoko na magpakalugmok. Tapos na yung malulungkot na araw. Napagod nadin naman ako sa pagluha. Dadating kadin pala talaga sa punto na wala na,ubos ka na.Wala ka ng kayang ibigay o isakripisyo pa.Yung tipong gusto mo naman masaya, ngumiti at mabuhay ulit.
Kahapon nakausap ko ang isa sa pinakamatalik kong kaibigang lalaki. Doon napag-usapan namin ang mga nangyari.Isang parte kasi ng buhay niya, nagawa niya din yung ginawa sa kin. Ipinaliwanag niya lahat.Hindi niya pinagmalaki ang nagawa niya. Hindi din siya masayang nakapanakit siya.Pero ganun yata talaga, ang buhay ay umiikot sa tinatawag nating pagbabago. Lahat nag-iiba. Kahapon ganito siya, bukas iba na. Kahapon sayo siya, kinabukasan makikita mo na lang nasa iba na. Magigisng ka na lang isang araw na ikaw na lang pala ang naiwan sa kahapon. Ang iba na dati katabi at kahawak mo pa ang kamay, nauna na pala.
Masakit. Nakakapanglumo. Hindi mo maipaliwanag ang nararamdaman mo. Nakakapanghina. Parang sasabog ka. Pero ano nga ba ang magagawa mo? Ayan na, inihain na lang sayo. Ni hindi mo nakita kung paano niluto? Sino-sino ang nagluto? Wala kang pwedeng ibang gawin kundi kainin na lang at lunukin. Kahit sobrang sakit. Kahit di mo kaya. Parang ganun yun.
Iniisip ko nga hanggang ngayon, pano nila nagagawa yun? Paano natitiis ng konsyensya nila yun. Paano sila nakakatulog sa gabi? Paano pa nakakain ng maayos habang alam nilang may nasaktan sila. Hindi ko maintindihan. Kahit anong gawin ko. Kahit pagbalibaliktarin ko man ang mundo. Pero sabi niya, sa una lang yan sila masya kasi kumbaga nasa " CLoud 9" pa. Pero kapag naglaon na dun na nila malalasahan yung pait. Yung pagkakaiba. Yung tanong na," Ano ba tong nagawa ko?" .At dun na dadating si pag-sisisi.
Habang kausap ko siya, umiiyak ako. Kasi naintindihan ko yung mga posibilidad na dahilan kung bakit yun nangyari sakin. Namulat yung isang parte ng buhay ko. Nakita ko na mas maganda padin pa lang ikaw na lang yung nasaktan at iniwan. Kasi bandang huli, ikaw padin talaga yung parang nanalo. Ang galing talaga ni Papa Jesus. Planado ang lahat base sa tunay na ikakasaya at ikakabuti mo. Inalis niya yung mga pampagulo lang at ibibigay yung nakalaan talaga para sayo. Yung taong sakto sa gusto at kailangan mo talaga. Taong ginawa Niya para lang sayo.
Alam ko nag-mukha na naman akong bitter sa post ko na ito. Pero gusto ko lang ilabas ito. Parang sasabog kasi ang puso ko sa dami ng nararamdaman. Alam ko makikinig naman kayo. Salamat.
Sabi nila mas maganda ng nagmahal ka at nasaktan kumpara sa di ka nagmahal at minahal at all. Dahil kasi sa SAKIT na yan, diyan ka LALAKAS at matututong LUMABAN ulit. Nakakadagdag sa pagkatao. Nakaka-proud na isang parte ng buhay mo, nakaya mong tumayo ulit pagkatapos ng bagyong akala mo di mo kaya lagpasan.
Sa ngayon ayos naman na ako. Masarap mabuhay, sino ba naman ako para magreklamo. Kapag may umaalis, may dadating na mas tama para sayo. Maghihintay na lang ako. Kahit gaano katagal. Dahil alam ko bandang huli, ibibigay din Niya si Mr. Right.
Pagpasyensyahan niyo na ang drama kong ito. Alam ko naiintindihan niyo ko. Ilan sa inyo'y pinagdaanan din ito.
Mula sa aking puso...SALAMAT.
Sa lahat ng nasasaktan at umiiyak ngayon, magpakatatag ka kaibigan, dahil lage mong tatandaan BILOG ANG MUNDO..(^_^)
nice cye!:))ganda...stay strong and be happy always.we all love you:)-joy
ReplyDeleteMu, tumayo ung balahibo ko while reading your post. Sana okay ka na. I never thought behind those funny talks natin, sa mga pang aasar eh nakatago ung sakit na pinagdadaanan mo ngayon. Kaya mo yan Mu. Andito lang kmi. We love you. :)
ReplyDelete^_^
ReplyDelete