Huling araw na naman ng linggo. Pahinga ko nadin sa wakas bukas. Salamat. May oras na naman para maregaluhan ang sarili ng medyo mahaba-habang tulog. Nang matagal-tagal na tambay sa harap ng TV. Nang maayos-ayos na pakikipagkwentuhan sa mga kasama ko sa bahay. Salamat. Makakapagmuni-muni na naman ulit. Mangangarap ng gising, yung walang iniisip na maaga pala dapat ako magising bukas. Makakapagisip-isp na naman ng mga bagay na gusto ko pa gawin, mabigyan lang ng pagkakataon. Salamat.
Pero alam mo ang paborito ko tuwing Huwebes, nakakapagsulat ako. Salamat.
Dumaan na naman ang isang linggo ko dito. Ang daming nagyari pero wala akong maalala. ( Pwede ba yun??!) Ang bilis ng takbo ng oras. Magigising ka ng alas-otso, kahit nakapikit pa kailangan na dahil lima kaming papasok ng alas-nuwebe. Magtitimpla ng kape. Maswerte kung may oras pa, makakaupo ka muna sa mesa habang hinihipan ang umuusok mong kape. Kapag wala, diretso na siya sa tumbler, dadalhin ko na lang sa clinic. Alas-nuwebe ang umpisa ng trabaho, kahit tulog pa ang diwa mo at may namumuti pa sa gilid ng mga mata mo, no choice, kaylangan na pumasok. Bukas ng clinic, linis ng kalat ng nagdaang araw, punas dito punas doon, spray dito spray doon. Buksan ang mga dapat buksan tulad ng mga cabinet, machines, notebooks, boxes atbp. Lahat yan ginagawa namin ng mga sampung minuto, tapos upo ulit. ( sarap!) Magkakape. Dadating ang doktora, makikipagkwentuhan ng kaunti ( KONTI LANG dahil Arabic ang usapan, mahirap magnosebleed ng ang aga-aga noh.) Upo na ulit. Kape. Magbabasa ng kaunti ( Lage akong may dalang libro.) May kakatok, nakakainis pa kasi maiistorbo ang pagbabasa at day-dreaming. Magkakapasyente. May treatment na gagawin. Kung maswerte papacheck-up lang siya. Upo ulit. 11:30 na. Uwian na.
Dahil sa mabuting kaibigan ( Ate Rosie ), pagdating namin ng bahay ni Carme ( My MU, kasama sa duty,sa bahay, sa buhay, lahat na.) may nagaantay na sa aming tanghalian. Salamat. At dahil may TFC na kami ngayon ( nagyayabang lang ng konti, first time eh,haha.) masarap na kumain sa lamesa habang nanunuod ng Happy Yippe Yehey. Tawa dito tawa dun. Kain dito, tingin doon. Sarap ng ganun, pakiramdam ko nasa isang BAHAY na talaga ako. Salamat.
Pahinga ng apat na oras. Kalahating oras sa pagkain. Isang oras sa internet. Dalawang oras na tulog. Isang oras ulit sa panunuod ( Salamat ulit sa TFC,haha.) Pagdating ng alas-kwatro pasukan na ulit. Ayaw mo man o hindi, sige lang, mahal namin trabaho namin. Sa limang oras at kalahating duty namin dito, dito na yung nakakapagod. Ito na kasi yung dagsaan ng pasyente. Ito na yung buhay na buhay ang mga neurons at hormones nila na pumunta kung saan-saan. Yun lang napili nila yung Dispensary mo,haha. Puputok pa ang mga ugat mo sa utak at mauubos ang pasyensya mo minsan sa mga makakaharap mo. pero sige lang, hingang malalim lang ang katapat niyan. Diko na mahawakan si libro, mainom si kape. Wala na si upo. Pumalit na si lakad dito lakad doon, akyat baba ng elevator, utos dito utos dun. Hay. Salamat padin.
Alas- nwebe ng gabi umuuwi na yung manggamot namin, may natirang kalahating oras para makipagchikahan. May kaibigan kaming taga-Bangladesh na lage naming nakakausap, nosebleed na naman. pero ayos lang, kapag mabait naman ang tao, di nakakapagod kausapin. Uuwi ndin pagkatapos ng ilang minuto, magluluto ng hapunan, maglalaba ( twice a week), mamalantsa ( Thrice a week ). Kakain ng hapunan. Manunuod ng mga teleseryeng muli na naman napakilala sa amin. Magshoshower. At babalik na ulit sa kanya-kanyang kama. Internet. Facebook. Bonding. Tawanan. Sigawan. Barahan. Asaran. Ang saya. Salamat.
May sasabihin ako sa inyo.
- Ang paborito kong part ng bahay ay yung mesa. Duon kasi nabubuo kami. Nagkakainan ng sama-sama, madami mang ulam o wala. Nanunuod ng mga teleseryeng nakakapagpakilig, iyak at tawa sa amin. Salamat TFC. ( Sana mabayaran ako sa dami ng beses ko sila nabanggit.)
- Derma ang clinic ko. Nagfafacial kami, Laser, Crystal Peel, Mesotheraphy at madami pang iba. Pwede ka pumunta kung gusto mo, dudugo nga lang ang ilong at tenga mo sa presyo,haha.
- Taga-Lebanon ang manggagamot ko. Mabait pero mahirap espelingen. Pero okay nadin.
- Walo kaming magkakasama dito sa bahay ( Flat sana itytype ko para sosyal,haha.). Lahat Pilipina. lahat mababait. Lahat masisipag at matatapang. Matapang na hinarap ang buhay na malayo sa pamilya para sa mga pangarap na pangsarili at para sa mga taong minamahal namin. Lahat masaya kasama. Lahat magaganda. Apir! Walang kokontra, blog ko to.Haha.
- Sa isang dispensary ako nagtratrabaho, hindi hospital. Hindi kalakihan ang sweldo. Hindi kagandahan ang sistema. Pero ang baet talaga ni LORD, nabiyayaan naman ako ng mga ANGHEL na kasama. hay, Salamat.
- Dati naoOAhan ako sa mga nagpapsalamt sa TFC. Pero ngayon iba pala talaga noh, dahil doon napapanuod padin namin ang mga palabas na pinapanuod din ng mga taong mahal namin sa PILIPINAS. Kahit papaano hindi naman kami uuwi na parang galing kami ng ibang planeta. Natatawa ko. Salamat.
- Paborito namin ang MARIA DEL BARRIO. Oh diba?! Ibang level. (^_^)
- Natapos ko na ang tatlong libro ni BOB ONG sa loob ng limang araw, nasa pang-apat na ako ngayon. Adik ba?!
- Sobrang proud ako kay SHAMCEY SUPSUP. Third-runner up sa Ms. Universe. Galing. Nasaan kaya ako nung umulan ng ng ganung level ng kagandahan, kaseksihan at katalinuhan? Malamang nanunuod ako ng TFC. Haha.
- Isang daan araw na lang bago magpasko. Yung susunod na Pasko nasa Pinas nadin ako sa wakas. Anyway, Advance Merry Christmas. Yung regalo ko ha, wag kakalimutan??
- Ngayon araw na to ang balik ng Tatay ko sa Italy. Malungkot na naman si Nanay. Malungkot na naman sa bahay. Isang taon na naman ang bubunuin namin ng hiwa-hiyalay.
Sheyt.
Hindi ko naman sinasadya mapahaba ito. Madaldal lang talaga, pagpasyensyahan mo na. Salamat ha, nakaabot ka hanggang dito. Hinding hindi talaga ako magsasawang magpasalamat. ( May kasama pa yang dasal na sana hindi ka nainip. )
Sabi nila mahirap daw dito sa SAUDI. Boring. Parang nasa kulungan. Pero alam mo....totoo nga. Akala mo kokontrahin ko ha. Oo. Tama sila. Pero diba, tao ka, binigyan ka ng kakayahan na mag-adjust sa paligid mo. May kakayahan kang tingnan ang mga bagay-bagay sa magandang parte nito. Sa english, you need to appreciate and look at the brighter side of things. Maswerte ka pa nga, mahirap man at malayo, binigyan ka ng pagkakataon ng Diyos na makatulong. Maganda naman ang buhay. Maraming blessings. Pero syempre parte din nito ang sandamukal na downs/problems/flaws. Madami din dadating na gustong-gustong sirain ito, pero tao ka, may kakayahan kang lumaban sa lahat ng pagkakataon. May choice kang tumayo ulit sa pagkakadapa at ngumiti ulit na parang walang nagyari. Parang sa Ms. Universe lang, bigay lahat ng pwedeng ibigay, kasi bandang huli hindi yung pagkapanalo ang importante, kung hindi yung pinakita mo sa kabuuan ng sitwasyon. Yun ang mas pinapahalagahan, yung ang mas malalim ang appreciation. Dun ka mas makakahanap ng kakaibang saya at contentment.
Sige po, magpapaalam na ko. Nahihiya naman na daw kasi ako ng KONTI.
Salamat ulit sayo. Sana masaya ka.
Kita na lang ulit tayo sa susunod kong kwento ha..Promise??!(^_^)
Wala sana akong planong taposin ito. Kaso, nakabang ka sa likuran ko Mu. haha! Ng lelevel up na talaga ang blog mo. Good luck. =)
ReplyDeletenakakainspired basahin ang blog n toh.. galing talaga na writer ni clo..:)
ReplyDeleteprang ako,nakaka relate din.Hayaan mo mauuwi din tayo..haha! Galing! :)
ReplyDelete